Sunday, 20 November 2016

Lechon ♥


Ang lechon o litson ay madalas na nakahain sa mesa kapag mayroong kakaibang handaan. Ang baboy ay itinutuhog sa isang kawayan at iniihaw sa uling hanggang ang balat ay maging mapula at malutong at ang karne ay lumambot. Inihahain itong may kasamang sawsawan na gawa sa atay ng manok at baboy, suka, asukal at pampalasa. Ang La Loma sa Lungsod Quezon ay kilala bilang kapital ng lechon ng Pilipinas.

No comments:

Post a Comment